Tuesday, July 8, 2008

Umaapaw na Araw

Unang Eksena:
- Unang ginawa ko pagdating ko sa opisina: tinignan ko ang blog ko at nakita kong may nag-comment sa post ko tungkol kay Dr. Efren Abueg. Ini-link daw niya ako sa kanyang blog--Mga Nobelang Atisan. Nalaman ko na lamang na naikwento niya ang karanasan ko sa post niya! Nakakatuwa. At isa rin syang tanyag na alagad ng panitikang Filipino. Ako'y lubos na natutuwa, napa-Tagalog tuloy ako.

Ikalawang Eksena:
- Seryoso akong nakatutok sa aking kompyuter nang maramdaman kong umalog ang aking lamesa nang ilang beses, malakas, at pati ang pader sumunod din sa galaw. Bigla na lamang sumigaw ang boss ko ng, "Lumilindol!" Napatahimik ang lahat at inantay ang susunod na mangyayari. Ngunit hanggang duon na lamang ang pagyugyog. Medyo nahilo ako dahil tila naiwan ang ulo ko.

Ikatlong Eksena:
- May nag-imbita sa akin para sa isang maikling usapan noong tanghalian. Akala ko'y isa lamang itong pagbabahagi tungkol sa buhay buhay. Ngunit ito pala'y tungkol sa ugnayan ko sa Maykapal. Wala akong masabi.

Ikaapat na Eksena:
- Meron pa nga ba? Ang alam ko lang, napagod ang utak ko sa araw na ito at gusto kong matulog. Hehehe.




No comments: