Napakasarap alalahanin ang mga kulitan ng aking mga kaklase (hindi man ako madalas kasama sa mga nakikipagkulitan sa kanila); ang pagpapagabi namin sa classroom para tapusin ang mga proyekto; ang mga kalokohang ginawa namin sa aming mga guro; ang mga araw na kami'y naglilinis ng maigi sa aming kwarto; at ang samahang nabuo na hindi nagpatinag sa mga taong nais manira.
Ipinagmamalaki ko ring isa akong "batang bilibid" sa loob ng maikling panahon. Nakita ko ang mga kabataang nasa iba't-ibang antas ng buhay--mula sa pinakamayayaman hanggang sa mga pinakamahihirap. Natutunan ko ang agos ng buhay. Naramdaman ko rin ang saloobin ng mga presong nakikita ko tuwing umaga habang nagtatanim sa paligid. Naging mas handa ako sa mga darating na pangyayari.
Hay. Parang gusto kong maging hayskul ulit.
1 comment:
hi, mado! hm, masayang bumalik sa high school kapag kasama mo pa rin yung friends na nakilala mo (pero kung ikaw lang, medyo lonely yata yun). Neweiz, sabi nga nila, the only time we know we are growing is when we leave our comfort zones. ingat lagi! =D
--may kristine
Post a Comment