Wednesday, October 3, 2007

What Made My Birthday Special

The FOOD
I've always had a party since my 1st birthday (onti lang ang miss). Days before the 27th, I told myself that this year, I'm just gonna celebrate solemnly--with my family lang siguro, and with JR (since he's not here, sa phone na lang.hehe.) But I still felt I'd miss something kapag hindi ko nakita yung mga kaibigan kong enjoy at busog. :) So yun. Kulang pa nga for my school friends. Thanks to Kuya Nino for the pansit. Thanks to my officemates who contributed in the "bente-bente". Thanks to Issa and her family. Thanks to Nanay.
OFFICE: 2 medium-sized bilaong pansit (canton at bihon), 1 bilaong puto-biñan,"piolo" ice cream, softdrinks, and chips.
ACENAS' HOUSE: 2 small bilaong pansit (bihon at miki), bbq
HOME: Jollibee (hehehe)

The Gifts
At 5:30am, Nanay gave me two wrapped gifts: a set of paintbrush and a Pooh mini-drawer. Naaliw ako sa pag-assemble nung cute mini-drawer. Buti hindi ako na-late. Hehehe. And the brushes. . . yehey! Won't be using the super old ones--na kailangan ko pang ibabad nang isang buwan sa kerosene just to soften the bristles. Nung lunch, may pahabol pang bag. :)

Then sa office, I received a Starbucks tumbler from Kuya Bennie. Hihihi.

Issa's family then gave me a Red Ribbon Choco cake---na dahil sa layo ng biyahe ko from their house in Delta, QC to Las Piñas, di ko na nabasa yung message nila sa top.

The next day, Kim and Gemz gave me a toy/doll/keychain Patrick (friend of Spongebob). Ang cute! My sister Paui also gave me a choker/necklace. Will post its photo next time.

Kahapon, humabol si Gracie (& family)--organic soap for skin whitening! hehe.

The Greetings
Thanks to all those who greeted me, from Sept 25 ata yun til last Sunday (Sept 30!). It really feels good to know that you remember me on my birthday. Lalo na if those people are quite far away from me... awww.

Tuesday, October 2, 2007

Ang Pagbabalik

Kahapon,binalikan ko ang naging pangalawang tahanan ko nang apat na taon. Inakyat kong muli ang matarik na daan papasok sa gate at papunta sa main building. Nakihalo muli ako sa mga estudyanteng nakapaldang berde. Dinayo ko ang mga tambayan namin noon ng aking mga kaibigan---ang groto, batibot, at kantin. Nakakatuwang makitang lalo pa siyang gumaganda. Ang ibang bahagi'y mas luma na ngunit nasasapawan ito ng mga bagong naroon.

Napakasarap alalahanin ang mga kulitan ng aking mga kaklase (hindi man ako madalas kasama sa mga nakikipagkulitan sa kanila); ang pagpapagabi namin sa classroom para tapusin ang mga proyekto; ang mga kalokohang ginawa namin sa aming mga guro; ang mga araw na kami'y naglilinis ng maigi sa aming kwarto; at ang samahang nabuo na hindi nagpatinag sa mga taong nais manira.

Ipinagmamalaki ko ring isa akong "batang bilibid" sa loob ng maikling panahon. Nakita ko ang mga kabataang nasa iba't-ibang antas ng buhay--mula sa pinakamayayaman hanggang sa mga pinakamahihirap. Natutunan ko ang agos ng buhay. Naramdaman ko rin ang saloobin ng mga presong nakikita ko tuwing umaga habang nagtatanim sa paligid. Naging mas handa ako sa mga darating na pangyayari.

Hay. Parang gusto kong maging hayskul ulit.